Nabigong maisalba ang buhay ng isang bagong silang na sanggol na natagpuan sa basurahan sa Isabela City Public Market sa Basilan.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, sinabi ng pulisya na dakong 6:00 a.m nang nang marinig ng ilang tao sa palengke ang iyak ng sanggol.
Nang hanapin ang pinagmumulan ng iyak, nakita nila ang sanggol na nakalagay sa plastik na nasa basurahan.
Kaagad na dinala sa ospital ang sanggol pero namatay din kalaunan.
Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang taong nagtapon sa bata para papanagutin.
Inaasikaso naman ng lokal na pamahalaan ang pagpapalibing sa sanggol.-- FRJ, GMA News
