Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay sa Pangasinan at inaresto ang isang guro dahil sa pagpapakalat umano ng malalaswang video sa social media.
Sa ulat ni Lei Alviz sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, kinilala ang nadakip na suspek na si Wilfredo Ballesteros, 29-,anoys, at Grade 6 teacher.
Sa bisa ng search warrant, hinahuglog ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Department of Justice Office of Cybercrime ang bahay ng guro sa San Carlos City.
Kinumpiska ang ilang gadget ng suspek na posibleng ginagamit sa umano sa pagpapakalat ng malalaswang video sa social media.
Ginawa ang pagsalakay sa bahay ni Ballesteros matapos na makatanggap umano ng impormasyon ang Office of the Cyber Crime ng DOJ na sangkot ang guro sa umano'y child pornography.
"Ang tinuturuan niya grade six, so mga minor. May propensity kasi siyang i-corrupt 'tong mga minor niya, mga minor na sa pangangalaga niya, mga estudyante niya kaya ito'y naging isa sa mga priority case natin," ayon kay Atty. Dante Bonoan, chief, NBI District Office, Dagupan City.
Paliwanag naman ni Ballesteros, pang personal lang niya ang mga video na kaniyang dina-download.
"Ang ginagawa ko lang dun is dina-download ko lang, pinapanood ko lang po sa akin lang po 'yon. Pero nagkataon lang na humingi po ng video yung kaibigan ng barkada ko," pahayag niya.
Ngunit ayon kay Bonoan, ipinagbabawal at may karampatang parusa ang pag-iingat ng child pornographic materials. -- FRJ, GMA News
