Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos siyang ireklamo ng panggagahasa sa isang pitong-taong-gulang na lalaki na inaya umano niyang manghuli ng gagamba sa Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Lunes, sinabi ng pulisya na nangyari ang insidente sa isang bakanteng lote sa E.B. Magalona sa nabanggit na lalawigan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na niyaya umano ng suspek ang biktima na manghuli ng gagamba. Pero habang nanghuhuli, pinagsamantalahan daw ng suspek ang bata.

Kaagad naman daw nagsumbong ang biktima sa kaniyang mga magulang na silang nagreport sa pulisya para madakip ang suspek.

Batay sa resulta ng medical exam, positibo sa laceration ang bata.

Sinasabing gumamit umano ng solvent ang suspek bago nangyari ang krimen. -- FRJ, GMA News