Tatlong bata na edad isa, tatlo at 12 ang nasawi nang masabugan sila ng pinaglaruang granada sa kanilang bahay sa Lianga, Surigao del Sur.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing lumabas sa inisyal na imbestigasyon na inihagis ng isa sa mga biktima ang granada sa terrace ng kanilang bahay, kung saan naroon ang dalawa pang bata.
Makaralipas ng ilang minuto, naganap na ang pagsabog at nakita na lang ang mga bangkay ng mga biktima.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung saan nakuha ng mga bata ang granada.
Nananawagan naman ang militar sa publiko na kaagad ipagbigay-alam sa kanila kung may makitang anumang pampasabog, bala o armas.-- FRJ, GMA News
