Patay sa pananaksak ang isang lalaking nanghipo umano sa isang babae sa isang terminal sa Zamboanga City.

Sa ulat ng "Balitanghali" nitong Huwsebes, sinasak ang lalaking nagngangalang Jovie Dacuya ng babaeng kaniya umanong hinipuan sa may paradahan ng jeep.

Kinilala ang suspek na si Normina Sangcula.

Pahayag ni Normina, self-defense lamang ang pagkapatay niya kay Dacuya. —LBG, GMA News