Natagpuan ang isang sanggol na lalaki na inabandona sa ilalim ng puno ng saging sa  bayan ng Virac, Catanduanes.

Sa ulat sa Unang Balita nitong Huwebes, isang residente ang nakarinig ng iyak ng bata habang nagtatali umano siya ng kaniyang kalabaw.

Natunton niya ang ang sanggol sa ilalim ng puno ng saging, ayon sa nakakita.

Ipinagbigay-alam niya sa barangay ang nangyari sa sanggol, na agad namang isinailalim sa medical checkup.

Inilagay na ang sanggol sa pangangalaga ng municipal social welfare office and development.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nag-abandona sa sanggol na pinangalanan nilang "Lucky X," ayon sa ulat. —LBG, GMA News