Hindi pa man opisyal na ideneklara ang pagtatapos ng tag-init, tuloy-tuloy na ang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Binabaha ang bayan ng Atimonan at hindi na madadaanan ang Atimonan-Unisan Road.

Photo courtesy: MDRRMO Atimonan


Umapaw ang tubig-baha sa ginagawang tulay at lahat ng uri ng mga sasakyan ay hindi makadadaan bago magtanhali nitong Sabado.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Atimonan.

Binabayo hanggang sa ngayon ng malalakas na ulan ang katimugang bahagin ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, minomontor ng PAGASA ang dalawang namomoong sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility.

Ayon sa PAGASA, maaaring ganap na maging bagyo ang low-pressure area sa may silangan ng Surigao del Norte sa darating na ilang araw. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News