Patay ang pangalawa sa 10 kilabot na drug personalities sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang buy-bust operation nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ang drug suspect na si Dom Ibañez, na napatay ng mga pulis sa Barangay Cotta ng lungsod.
Photo courtesy: Lucena City Police Station
Nakuha kay Ibañez ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1,000 at isang baril.
Ayon sa PNP Lucena, nakatunog si Ibañez na mga pulis ang kanyang ka-transakyon kung kayat tumakbo ito. Pinaputukan ni Ibañez ang mga pulis, na napilitang gumanti ng putok at napatay ang suspect.
Iniimbestigahan na ng mga tauhan ng SOCO ang insidente. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News


