Sabay-sabay na umindak, humataw sa pagsayaw ang mahigit 2,000 na mga mag-aaral at guro ng Alabat Island National High School sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang Biyernes ng hapon.
Photos from school principal Greg Racelis

Pahayag ng kanilang principal na si Mr. Greg Racelis, sa ibang paaralan kapag Friday ay nanghihina at wala nang gana ang mga estudyante at guro pero sa Alabat Island NHS kahit Friday ay very energetic ang students and teachers mula Grade 7 to 12 sa kanilang Wellness Dance.
Ang Wellness Dance ay isang joint program ng Nestle Philippines at ng Department of Education upang maging malusog at malakas ang mga mag-aaral kasama ng tamang ehersisyo at tamang pagkain ng wastong pagkain tulad ng gulay at isda ay makakamit ang malusog at malakas na pangangatawan.
Balak umano ng school na gagawin ang pagsasayaw bawat linggo. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News

