Ligtas na nasagip ang 21 pasahero ng bangkang tumaob sa karagatan ng Bayan ng Sta. Magdalena sa lalawigan ng Sorsogon noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ni GMA News stringer Don Gloriane, umabot sa halos apat na oras na nagpalutang-lutang ang mga survivor sa karagatan sa kalagitnaan ng Samar at Sorsogon.

Matapos makatawag at makapag-text ang ilang mga pasahero sa kanilang mga kamag-anak, pamilya, at kaibigan, ikinasa na ng mga awtoridad ang pag-rescue sa mga pasahero.

Nasagip ang mga survivor sa pagitan ng bayan Sta. Magdalena at bayan ng Bulusan.

Wala pang detalye sa dahilan ng pagtaob ng bangka.

Matapos ma-rescue, halos isang oras pa bago dumating sa dalampasigan ang mga rescuer kasama ang survivors, habang naghihintay ang mga ambulansiya na magdadala sa kanila sa pagamutan. —LBG, GMA News