Nasunog ang engine room ng isang RORO vessel sa karagatang sakop ng Barangay Taloot sa Argao, Cebu, umaga nitong araw ng Linggo.

Sumiklab ang apoy dakong 10:30 ng umaga, at agad na natanggap ang distress call mula sa nasusunog na MV Lite Ferry 28 ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Argao.

Photo courtesy: MDRRMO Argao

Mabilis naman na naitabi sa ang RORO sa isang rescue ship upang makalipat ang mga pasahero.

Sakay ng ferry ang ang 92 pasahero, 27 tripulante, at truck na may kargang LPG mula sa Tagbilaran sa lalawaigan ng Bohol.

Nagsimula umano ang sunog sa engine room at mabilis na kumalat sa pilot room ng Lite Ferry 28 ang apoy.

May layo na 500 metro ang RORO sa Taloot Wharf nang sumiklab ang sunog.

Maayos na nailigtas ang mga pasahero at tripulante ng ferry, at agad na naapula ang apoy.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News