Patay sa magkasunod na insidente ng pamamaril ang dalawang kagawad sa Zamboanga del Norte. Ayon sa ulat ng GMA News TV "QRT," halos 20 minuto lang ang pagitan ng dalawang krimen.
Batay sa impormasyon mula sa pulisya, sinabing unang pinaslang malapit sa kaniyang bahay noong Martes ang kagawad na si Nilo Dahili ng Barangay Lomogom.
Tatlong tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima mula sa mga salaring nakasakay sa motorsiklo.
Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos isagawa ang krimen.
Pagkaraan ng dalawampung minuto, pinagbabaril naman at nasawi rin si kagawad Jose Rey Bongcawel ng Barangay San Isidro.
Nakatakas din ang mga salarin at patuloy pang imbestigasyon ng pulisya dalawang krimen. -- FRJ, GMA News
