Sumisikat ngayon ang mga weight-loss injectable, at nagpag-uusapan sa social media ang mga gamot na gaya ng Ozempic, at ang kanilang potensiyal na makatulong sa mga tao na nais magbawas ng timbang. Ligtas ba naman itong gamitin? Alamin.

Orihinal na binuo para gamutin ang type 2 diabetes, naglalaman ang Ozempic ng semaglutide, isang gamot na natuklasang nakatutulong din sa pagpapanatili ng tamang timbang.

Kabilang naman ang semaglutide sa mas malawak na klase ng mga compound na kilala bilang peptides, na patuloy na pinag-aaralan dahil sa kanilang papel sa paggamot sa obesity at kalusugan ng metabolismo.

Paano nga ba gumagana ang peptides, mga potensiyal na benepisyo nito, mga posibleng panganib, at kung ligtas at epektibo ba itong opsiyon sa pagbabawas ng timbang.

Ano ang peptides?

Ang mga peptide ay maiikling kadena ng mga amino acid na binubuo ng mga protina sa katawan, ayon sa Healthline.

Mayroong iba't ibang uri ng peptide na gumagawa ng iba't ibang bagay, kasama na rito ang pagtulong "to orchestrate hormone activity, immune defense, tissue repair and growth, control of inflammation, and digestion," ayon sa Harvard Health Publishing.

May mga peptide din na ginagamit sa paggamot ng diabetes at labis na katabaan o obesity.

Karaniwang inirereseta ang mga peptide para sa pagbaba ng timbang, gaya ng semaglutide (isang glucagon-like peptide-1 receptor agonist o GLP-1) at tirzepatide (isang dual glucagon-like peptide-1 at glucose-dependent insulinotropic polypeptide receptor agonist), sa mga taong sobra sa timbang o overweight, o may obesity.

Sa isang panayam sa GMA News Online, sinabi ni Dr. Macgerald Cueto, physician sa Marie France, tinutulungan ng mga peptide na magbawas ng timbang ang mga tao sa pamamagitan ng:

  • pagpigil sa gana sa pagkain
  • pagpapabagal sa pag-aalis ng laman ng tiyan
  • pagdadagdag sa paggamit ng enerhiya

Sinabi ni Cueto na lalong naging sikat ang mga injectable na ito nitong mga nakaraang taon dahil sa kanilang "unprecedented effectiveness" at dahil tinutugunan nila ang biological causes ng katabaan o obesity.

“Obesity is more than a matter of willpower or discipline,” sabi ni Cueto. “It’s complicated.”

“It's often not addressed only through lifestyle modification alone but needs a more comprehensive and systems approach,” dagdag niya.

Sinabi ni Dr. Kaycee Reyes, isang duktor at nagtatag ng Luminisce, ang mga taong labis ang katabaan ay kadalasang may mahinang senyales kung kailan dapat tumigil sa pagkain.

“Every time you eat, our body releases hormones that travel up to your brain and basically say, ‘Okay, we’re good, you can stop now,’” paliwanag ni Reyes.

“In a lot of people living with obesity, that signal is weak,” dagdag niya. “It’s not a willpower problem. The message just isn’t getting through clearly.”

Sino ang dapat mag-peptide para bumaba ang timbang?

Bagama't inaprubahan ang mga gamot na ito para gamutin ang mga partikular na kondisyong medikal, ilang mga tao ang gumagamit ng mga ito para sa pagbaba ng timbang kahit na hindi sila obese o labis na katabaan, bagay na may babala si Cueto.

“These medications are not appropriate for everyone who wants to lose weight,” sabi niya, na ipinaliwanag na, "they are intended for specific patient populations with particular medical indications.”

Kabilang sa mga kondisyong medikal na ito ang:

  • Mga taong sobra sa timbang (BMI na 27 o mas mataas) na may prediabetes
  • Mga taong may cardio-kidney-metabolic syndrome
  • Mga taong may type 2 diabetes
  • Mga taong may labis na katabaan (BMI na 30 o mas mataas)

Sa kabilang banda, hindi dapat gamitin ng mga taong may medullary thyroid carcinoma o Multiple Endocrine Neoplasia Type II (MEN II) ang mga gamot na ito.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Reyes na hindi mga contraindications. ang mga karaniwang sakit sa thyroid.

“Hyperthyroidism, goiter, papillary or follicular thyroid cancer — none of these disqualify you,” sabi niya. “It’s specifically medullary thyroid carcinoma and MEN II.”

Para sa mga taong wala sa inirerekomendang pamantayan, nagbabala ang mga doktor na nananatiling walang katiyakan sa mga pangmatagalang epekto.

“We have no idea what these drugs do to a normal-weight body over years, because that study has never been done,” sabi ni Reyes. “I’m not going to make my patient the experiment.”

Epektibo ba at ano ang side effects?

Bukod sa bariatric surgery, inilarawan ni Reyes ang weight-loss peptides bilang "the most effective weight-loss medicine we've ever had."

Samantala, sinabi ni Cueto na ipinakikita ng clinical data na nakatutulong ang mga gamot na ito sa mga pasyente na mawalan ng humigit-kumulang 15% hanggang 20% ng kanilang timbang pagkatapos ng 52 linggo ng patuloy na gamutan sa mas mataas na doses. Habang ipinunto na kakaiba ang bawat isa kung saan mas mabilis ang ilan na tumugon ang katawan kaysa iba.

Gastrointestinal ang pinaka-karaniwang side effects nito, kabilang ang pagduduwal, pagsusuka, paninigas ng dumi, pagtatae, at paglobo ng tiyan o bloating. Ilan pang mga pasyente ang nakararanas din ng dehydration at pagkapagod.

Sinabi pa ni Cueto na mayroon ding mga bihira ngunit malubhang side effect na nangangailangan ng medikal na atensiyon, Kabilang ang acute pancreatitis, pagbuo ng gallstone, hypoglycemia, lean muscle loss, at matinding dehydration.

“These are often seen during rapid weight loss,” sabi niya. “It’s always prudent to be under the direct guidance of a medical physician.

Babalik ang timbang mo kapag itinigil ang gamot?

Ayon kay Reyes, inaasahan ang pagbabalik ng dating timbang pagkatapos itigil ang paggamit ng paggamot.

“I want to be very direct about that, because this is where people feel betrayed if nobody warned them,” sabi niya.

Ipinunto niya ang clinical studies na nagpapakita na mahirap mapanatili ang benepisyo ng gamot kapag itinigil.

Sa isang pag-aaral sa semaglutide, nawalan ang mga kalahok ng humigit-kumulang 17% ng kanilang timbang sa katawan, ngunit isang taon pagkatapos ihinto ang gamutan, bumalik ang humigit-kumulang two-thirds ng timbang na kanilang nabawas.

“Nobody is shocked that blood pressure goes up when you stop blood pressure medicine,” binanggit ni Reyes bilang halimbawa. “We understand that the drug was controlling the condition, not curing it.”

Dapat umanong tingnan ang labis na katabaan sa katulad na pagtinginsa sa isang malalang sakit.

“Stop the medicine, and the condition returns,” sabi niya. “That’s not a failure of the drug. That’s the definition of a chronic disease.”

Hindi pamalit diet at ehersisyo ang peptides

Sinabi ni Cueto na isa sa mga pinakamalaki na maling akala na kumakalat sa social media na shortcut ang mga gamot na ito na maaaring palitan ang tamang dami ng pagkain at ehersisyo.

“Medications work best as part of comprehensive lifestyle management,” sabi niya. “They are tools that make behavior change easier, not a replacement for healthy habits.”

Nabanggit din ni Reyes na inaasahan ang ilang pagkawala ng kalamnan o muscle habang umiinom ng mga peptide para sa pagbaba ng timbang, kaya naman lalong mahalaga ang strength training.

“Muscle is your metabolism, your strength, your independence when you’re old,” payo niya. “If you take this drug, eat like a bird, and never lift anything, you’ll be thinner and weaker.”

Inirerekomenda niya ang pagkain ng protina sa bawat pagkain at pagsasagawa ng resistance training dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

“I’d rather a patient lose 12% and keep their muscle than lose 20% and be frail,” sabi niya.

Panganib sa pagbili ng Peptides nang over-the-counter

Binigyang-diin ni Cueto na dapat gamitin lamang ang mga peptide para sa pagbaba ng timbang sa ilalim ng pangangasiwa ng isang doktor.

“Without medical supervision, one often misses critical monitoring for dose-related adverse effects,” sabi niya.

“Medical supervision provides dose adjustment, monitoring for dangerous complications, and access to quality-controlled medications,” dagdag niya.

Sa Pilipinas, binanggit ni Reyes na mga prescription-only na gamot ang mga weight-loss peptide na pinamamahalaan ng Food and Drug Administration.

“So, if a seller is offering you a branded product with no prescription, that transaction is already outside the law,” sabi niya.

Binalaan din ni Reyes ang mga konsumer tungkol sa mga produktong may label na "research grade."

“Research grade is not an actual grade,” sabi niya. “It’s a phrase that exists so a seller can avoid the word medicine.”

Binigyang-diin nina Reyes at Cueto na dapat lamang inumin sa ilalim ng pangangasiwa ng isang doktor ang mga peptide para sa pagbaba ng timbang.

Noong 2025, inirekomenda ng World Health Organization ang iba't ibang mga kilalang gamot para sa pagbaba ng timbang upang gamutin ang diabetes at labis na katabaan sa buong mundo.

Idinagdag ng WHO ang semaglutide—ang aktibong sangkap sa Ozempic at Wegovy ng Novo Nordisk—at ang tirzepatide, ang aktibong sangkap sa Mounjaro ni Eli Lilly, sa listahan nito ng mga mahahalagang gamot para sa mga matatanda.

Para sa higit pang mga tip sa kalusugan at kagalingan at mga babasahin na pang-edukasyon, mag-subscribe sa lingguhang newsletter ng GMA News Online na The Boost. -- Jamil Santos/FRJ GMA News