Patay ang isang construction worker habang sugatan ang tatlong iba pang kasamahan matapos silang makuryente ng live wire ng mula sa poste ng Quezon Electric Cooperative sa Atimonan, Quezon

Nangyari ang insidente pasado alas-kuwatro ng ng hapon noong Sabado sa Barangay San Isidro.

Photo courtesy: MDRRMO Atimonan
Photo courtesy: MDRRMO Atimonan

Ayon sa PNP Atimonan, ibinababa ng isang crane ang bakal sa ginagawang tulay nang sumabit ito sa kable ng kuryente.

Nasa tabi ng drop-side truck ang dalawang trabahador at nakaapak sa mga bakal kung kayat nakuryente ang mga ito.

Sinubukan naman silang tulungan ng dalawa pang trabahador subalit nakuryente rin ang dalawa na tumutulong.

Kalaauna'y sumabog raw ang transformer sa poste at nawalan ng daloy ng kuryente.

Agad na isinugod sa Doña Martha Hospital sa bayan ang Atimonan ang 4 na biktima at isa nga dito ang idineklarang dead on arrival.

Kinilala ang nasawi na si Joey De Guzman.

Inilipat rin ang 3 sugatan sa mas malaking pagamutan sa Lucena City. Nagtamo ang mga ito ng grabeng pinsala sa katawan.

Sasagutin naman umano ng contractor ang mga gastusin ng mga biktima. Ang ginagawang tulay ay proyekto ng DPWH. —LBG, GMA News