Ikinagulat ng mga residente sa Barangay Datagon sa Pamplona, Negros Oriental nang makita nila ang bagong silang na kambal ang inabandona sa gilid ng kalsada.



Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Miyerkoles, sinabing walang saplot at nakakabit pa ang umbilical cord ng kambal nang matagpuan ng mga residente nitong Martes ng umaga.

Kaagad nilang dinala sa pagamutan ang mga sanggol pero idineklarang dead on arrival ang isa sa kambal.

Patuloy namang inoobserbahan ang isa pang sanggol.

Inaalam na umano ng mga awtoridad kung sino ang ina ng kambal at kung sino ang nagtapon sa kanila sa gilid ng kalsada. --FRJ, GMA News