Naging viral kamakailan sa social media ang tatlong magkakapatid na lola sa Leyte dahil sa kanilang larawan habang may hawak na alak.  Bagaman aminado sina Lola Huling, Lola Edang at Lola Doring, na madalas pa rin silang mag-inuman tuwing may espesyal na okasyon, hindi nila iniinganyo ang iba na gayahin sila.

At higit sa kuwento sa likod kung papaano sila nahilig sa pag-inom ng alak, tunghayan sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ang istorya ng samahan ng magkakapatid na ang pinakamatanda ay 92-anyos na. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News