Napadpad sa baybayin sa lalawigan ng Quezon nitong hapon ng Sabado ang isang sugatang pygmy sperm whale.

Nakita ng mga mangingisda ang balyerna sa babayin ng Barangay Sta. Maria Ibaba sa bayan ng General Luna, at agad nilang ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay.

Nanghihina ang balyena na tadtad ng sugat sa katawan.

Photo courtesy: Junell Pollo
Photo courtesy: Junell Pollo

Mabilis naman itong sinuri at ginamot ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng Municipal Agriculture Office.

Ilang oras nila itong inobserbahan at ng matiyak na ligtas na ang sperm whale ay agad itong dinala sa malalim na parte ng dagat upang itaboy malayo sa mga tao.

Tinatayang may habang limang metro ang Pygmy sperm whale. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News