Laking gulat at pighati ng isang ina nang malamang anak pala niya ang inakalang kahoy na lumulutang sa tabi ng kanilang bahay sa Davao City. Ang anim na taong gulang na biktima, hinihinalang ginahasa rin.

Sa ulat ni Jandi Esteban ng RTV-One Mindanao sa "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Martes, sinabing unang umano ang biktimang si Denise Baumbad habang nanonood ng aktibidad sa piyesta.

"Sabi ng mama ko, bababa siya sa dagat kasi parang may kahoy na natumba doon sa may haligi malapit sa amin. Hihilahin niya sana kasi akala niya kahoy lang. Nang ilawan niya, una niyang nahawakan ang legging ng kapatid ko," kuwento ni Dophie Baumbad, kapatid ng biktima.

Ayon kay Police Chief Inspector Reuben Libera, hepe ng Sasa Police, "Mayroon tayong nakita medyo mali sa kaniyang private parts. Nakababa yung underwear niya pero nakataas ang kaniyang pajama. Kung titignan mo parang ginahasa talaga siya."

Inaresto naman at suspek sa krimen ang 20-anyos na si Limar Cano, na kapitbahay ng biktima.

Pero mariing itinanggi ni Cano na may kinalaman siya sa krimen.

Hinihintay pa ang resulta ng eksaminasyon ng medico legal at posibleng maharap sa kasong rape with homicide si Cano.--Dona Magsino/FRJ, GMA News