Arestado ang dalawang mangingisda matapos umano nilang katayin ang isang spinner dolphin gamit ang bolo sa Valencia, Bohol.

Ayon sa International Union for Conservation of Nature, isa ang spinner dolphin sa mga nanganganib nang maubos. 

Sa "Balita Pilipinas Ngayon" ng GMA News TV nitong Biyernes, kinilala ang mga suspek na si Roger Toquib at Diomedes Sajulga.

Nakuha sa kanila ang bolo na ginamit sa pangangatay. 

Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa RA 10654 o Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing."

Paliwanag naman ng mga suspek, lasing raw sila nang mautusan silang lapain ang hayop. —Margaret Claire Layug/NB, GMA News