Isang kapitan ng barangay ang inaresto sa Calabanga, Camarines Sur dahil sa kasong adultery, ayon sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV nitong Linggo.
Inilabas ng Korte Suprema ang warrant of arrest laban sa kapitan na kinilalang si Ronaldo Coner ng Barangay Punta Tarawal nitong Disyembre ng nakaraang taon, ayon sa pulisya.
Sinamphan siya ng kaso ng asawa ng isang babaeng nakarelasyon at nabuntis umano niya.
Pagkatapos makapagpiyansa ng P8,000, pansamantalang nakalaya si Coner.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang kapitan. —Joviland Rita/KG, GMA News
