Kalunos-lunos ang sinapit ng isang Grade 3 student na natagpuang ginilitan at basag pa ang bungo sa Jomalig, Quezon.
Ayon sa ulat nitong Biyernes sa "Balitanghali," posible raw na pinalo ng matigas na bagay sa ulo ang walong-taong gulang na babae na nakasuot pa ng uniporme ng paaralan nang matagpuan.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang salarin at kung ginahasa ba ang biktima.
Hustisya naman ang panawagan ng mga kaanak at guro ng biktima. --Margaret Claire Layug/FRJ, GMA News
