Nahuli-cam ang pananakit ng dalawang kabataang lalaki sa dalawa ring menor de edad sa Famy, Laguna. Ang isa sa mga biktima, nagpa-"load" lang sa kaniyang cellphone.
Sa ulat ni Chino Gaston sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, makikita sa CCTV video ang pagdating ng isang grupo ng mga kabataang lalaki sa tapat ng isang tindahan sa Barangay Tunhac, dakong 3:00 a.m.
Maya-maya pa, lumapit na ang dalawa sa kanila sa nakaparadang tricyle at biglang pinagsusuntok ang driver at sakay nito.
Napag-alamang mga menor de edad din ang mga biktima na galing daw sa pagde-deliver ng paninda sa Rizal. Huminto lang daw ang dalawa sa harap ng tindahan para magpa-"load."
Desidido naman ang kampo ng mga biktima na magsampa ng reklamo laban sa mga menor de edad na suspek.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang dalawang nanakit na kabataan.-- Dona Magsino/FRJ, GMA News
