Isang batang limang-taong-gulang ang nasawi matapos mabagsakan ng vending machine sa General Santos City.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, kinilala ang biktima na si John Vista. Naisinugod pa siya ospital pero namatay din kalaunan.
Kuwento ng ama ni Vista, naglalaro ang kaniyang anak at isa pang bata malapit sa vending machine nang mangyari ang trahediya.
Nakaligtas naman ang kalaro ni Vista na nagtamo lang ng bukol.
Hindi pa alam ang dahilan kung bakita bumagsak ang vendo machine at dumagan sa biktima.
Humihingi naman ng tulong ang ama ng bata sa may-ari ng vending machine para sa pagpapalibing sa kaniyang anak.-- FRJ, GMA News
