Dumadaing ang mga residente sa dalawang barangay sa Orani, Bataan, dahil sa napakadaming langaw sa kanilang lugar.
Ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes, may mga nagkakasakit na sa Barangay Pag-Asa at Tala dahil sa sandamakmak na langaw.
Sabi ng ilang residente, nagmula raw ang mga langaw sa isang manukan.
Kung hindi raw maiaalis ang nasabing manukan, dapat daw ay malinis ito nang maayos upang mapigilan ang pagdami ng mga langaw.
Ayon sa ulat, ilang residente na ang naglalabas ng placard para lamang manghingi ng kulambo na pangontra sa mga langaw. —Anna Felicia Bajo/KBK, GMA News
