Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang estudyanteng nagtapos sa Bataan kung saan ipinakita niya ang mga naipong bus tickets mula sa kaniyang apat na taong pagko-commute.
Ayon kay Horaze Kyle Lozano, estudyante mula sa Bataan Peninsula State University, nag-umpisa bilang isa lamang katuwaan ang pag-iipon niya ng kaniyang bus tickets mula Mariveles patungong Balanga kung saan siya nagaaral.
Nang tumagal na, naisip ni Horaze na gamiting ang mga naipong bus tickets sa kaniyang creative shot para sa graduation.
Noong una, may mga naghikayat raw sa kaniya na umupa na lamang sa isang dormitoryo pero mas pinili pa rin niyang bumiyahe araw-araw.
Samantala, nakarating naman sa pamunuan ng kumpanya ng bus na sinasakyan ni Horaze ang kaniyang mga larawan. Dahil dito, niregaluhan siya ng libreng round trip papuntang Baguio na may kasamang 3 days and 2 nights hotel accommodation. —Anna Felicia Bajo/LBG, GMA News
