Dahil sa pagka-bored, naisipan ng tatlong beki na magsuot ng heels bilang twist sa paglalaro nila ng volleyball.

Bigay-todo sa paglalaro ang magkakaibigang sina Ian Dave, Jeffer at Rico John kahit pa may mga pagkakataong natatapilok sila, ayon sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali Weekend" nitong Sabado.

At para lang mahabol ang bola, napapa-dive pa sila.

Ayon sa mga magkakaibigan, bored sila nang makita nila ang heels ng mga babaeng kasama nila sa bahay.

Magmula nang maglaro ang tatlo, pati kanilang mga kapitbahay ay nag-aabang na rin sa nakaaliw nilang laro na tinawag nilang "Volleybeks." —Jamil Santos/LBG, GMA News