Isang anim na buwang gulang na sanggol ang namatay matapos mahulog at malunod sa isang baldeng may laman na oxalic acid sa Bacolod City, ayon sa ulat ni Cecille Villarosa sa Unang Balita nitong Martes.

Dahil mahimbing ang tulog matapos ang isang araw ng pagtatrabaho sa palengke, hindi namalayan ng mga magulang ni Lianna Mae Alora na gising na pala siya.

Nahulog sa balde si Baby Lianna matapos siyang gumapang nang hindi napapansin ng kanyang mga magulang.

Naganap ang insidente sa puwesto ng mag-asawa sa palengke kung saan sila nagpalipas ng gabi dahil sa pagod.

Wala namang sinisisi ang pamilya at ang tanging hiling lamang nila ay mabigyan ng maayos na libing ang sanggol. —KBK, GMA News