Patay ang isang kapitan at kasama niyang tanod nang pagbabarilin nang pagbabarilin sila sa loob ng palengke sa Pagadian City nitong Huwebes ng hapon.
Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Biyernes, sinabing bumibili ng isda ang kapitan na si Roy Dela Cruz at tanod na si Rex Enderes, nang lapitan sila ng dalawang salarin at saka pinagbabaril nang malapitan.
Sugatan naman isa pang barangay tanod na kasama ng kapitan, at isa pang sibilyan na nadamay sa pamamaril.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulisya sa motibo sa krimen at pagtugis sa mga nakatakas na salarin.-- FRJ, GMA News
