Nawalang ng malay ang 14 estudyante sa isang school sa Occidental Mindoro nang masapian umano ang mga ito ng masamang espiritu.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes ng umaga sinabing sinapian umano ang mga ito kaya biglang nagsisisigaw at nawalan ng malat ang 14 na estudyante sa Occidental Mindoro National High School.
Nagsisisigaw ang mga estudyante at ang ilan sa kanila ay nawalan ng malay matapos umanong sapian.
Dinala ang mga estudyante sa kalapit na simbahan upang pakalmahin. Pero naulit umano ang nasabing pagsapi.
Dahil diyan, ipinagpaliban muna ang klase sa naturang paaralan. Wala pang opisyal na pahayag ang school administration tungkol sa insidente. —LBG, GMA News
