Patay ang driver ng pampasaherong jeep at dalawa niyang pasahero matapos silang salpukin ng isang truck sa Pagbilao, Quezon noong Sabado ng hapon.



Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, kinilala ang driver ng jeep na si Ferdinand Arevalo, na pumanaw sa ospital.

Bukod sa tatlong nasawi, 15 iba pa ang nasugatan sa naturang insidente.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Edward Garay.

Bumibiyahe raw ang jeepney sa kahabaan ng Maharlika highway nang bigla itong salpukin ng truck.--FRJ, GMA News