Nailigtas mula sa kamay ng isang umano'y bugaw sa Iligan City ang dalawang babae at siyam na buwang gulang na sanggol matapos ang isang raid ng National Bureau of Investigation (NBI).

Inabutan sa labas ng bahay nito ang suspect na si Geraldine Laom aka Inday Kulot na umano'y bugaw at land lady nang magpunta ang NBI base sa sumbong ng isang complainant.

Ayon kay Abdul Jamal Dimaporo, hepe ng NBI ng Iligan City, nagreklamo sa kanila ang nanay ng sanggol na ayaw ibigay sa kanya ang kanyang anak kundi magbibigay ng P30,000.   

Bukod sa sanggol, nasagip din ang dalawang babae, kabilang na ang isang 19 taon na umamin na isa siyang model ni Inday Kulot.

Ayon naman kay Liza, ina ng sanggol, ibinilin niya  ang bata kay Inday Kulot , pero ayaw na itong ibalik sa kanya kinalaunan.  Inamin ni Liza na marami syang utang kay Inday Kulot, dahil marami raw itong inaalok sa kanya na mga damit at gadgets.

Itininanggi ni Inday Kulot ay alegasyon sa kanya. —LDF, GMA News