Ilang araw matapos sorpresahin ni James Graham ang mga netizen sa kaniyang bagong hitsura sa TikTok, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa naging takbo ng kaniyang 'di sinasadyang pag-amin bilang miyembro ng LGBT+ community.
Sa panayam ng GMA News Online, sinabi ng Filipino-American Sparkle artist na matinding takot ang una niyang naramdaman bago niya i-upload ang kaniyang TikTok video.
“My initial reaction was fright,” pag-amin niya. “I was so scared.”
Ayon kay James, natakot siyang husgahan ng iba pero hindi niya inaasahan ang matinding positibong pagtanggap sa kaniyang video.
“Hindi ko inakala na magiging positive ‘yung mga comments,” ani James. “And with the positive comments, I guess it kind of helped me to accept the fact that I already came out.”
Bagama't hindi sinasadya ang kaniyang pag-amin, itinuturing na ngayon ni James na isa itong "blessing in disguise."
“I’m at peace with how it unfolded, because I feel like I would have never told anyone if it didn’t come down to that,” sabi ni James.
Idinagdag niya na ayaw niyang dumating ang panahong pagsisihan niyang hindi niya mas maagang tinanggap ang kaniyang tunay na pagkatao.
Para sa mga dumaraan sa katulad na sitwasyon, hinikayat ng "Royal Blood" actor ang lahat na magtiwala sa sarili nilang tamang panahon.
“You just have to believe in yourself,” sabi ni James. “You can come out, in your own time, as long as you’re comfortable. There’s no rush.”
“You just have to know that there is someone out there who will always love and accept you for who you are,” dagdag niya.
Ayon kay James, pakiramdam niya ay tunay na siyang malaya ngayong alam na ng lahat ang kaniyang tunay na pagkatao.
“I’m living my best life,” aniya. “I feel like I can finally be who I am.”
Noong Pebrero 2025, lumipat si James sa Amerika upang ituloy ang kurso niyang nursing.
Noong 2023, kinilala si James bilang isa sa mga Outstanding Youth of the Philippines, kasama sina Princess Aliyah at Aidan Veneracion.— FRJ GMA News

_2026_07_23_09_46_22.png)