Isang higanteng isdang Lapu-Lapu ang nahuli ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng Culasi, Antique nitong Sabado ng umaga.

Agad na pinagkaguluhan ng mga residente ng isda nang dumaong ang bangka kung saan ito sakay pasado 10:00 ng umaga kanina.

Giant Lapu-Lapu in Culasi, Antique. Photos by Che Calay
Giant Lapu-Lapu in Culasi, Antique. Photos by Che Calay

 


Gulat na gulat ang lahat sa pambihirang laki nito. Hindi naman raw ito ang unang pagkakataon na may mahuling higanteng Bu-an sa Antique. Bu-an ang tawag nila sa isdang Lapu-Lapu.

May bigat na higit 147 kilos ang isda na agad naman raw binili ng isang di-nagpakilalang buyer ng isda sa lugar. —LBG, GMA News