Isang 11-anyos na batang babae ang ginahasa sa Nabua, Camarines Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Base sa imbestigasyon, natutulog ang biktima sa kanyang kuwarto nang maramdaman niyang may nanghihipo sa kanya. Nang magising, nakita niya ang isang lalaking may takip sa mukha.

Hindi na nakapalag pa ang bata dahil sa takot.

Nang maisakatuparan ng suspek ang panghahalay, tinanggal niya ang takip sa mukha para maghilamos. Doon na raw siya nakilala ng batang biktima.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakip si Jayson Laynesa na aminado sa krimen.

Ayon sa suspek, lasing siya noon at nagsisisi na siya sa nagawa.

Gayunman, desidido ang pamilya ng biktima na idemanda si Laynesa. —KBK, GMA News