Dalawang Chinese national ang inaresto ng mga awtoridad matapos silang maaktohan na umiihi sa White Beach sa Boracay.

Ayon sa ulat ng Balitanghali Weekend ng GMA News TV nitong Sabado, dinala sa tanggapan ng pulisya ang mga naturang turista at binigyan ng citation tickets.

Samantala, dalawang turista mula sa South Korea ang inaresto rin matapos silang maaktohan na umiinom ng alak sa beach.

Ipinagbawal ang pag-inom ng alak sa White Beach mula ng isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang isla ng Boracay. —KG, GMA News