Nasunog ang isang ten-wheeler delivery van sa Maharlika Highway, Sta. Catalanina, Atimonan, Quezon pasado alas-singko ng hapon nitong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Atimonan, galing sa Bicol ang delivery van at pabalik na sana sa Maynila nang may bigla raw umusok at umapoy sa unahang bahagi nito.

Agad raw na inihinto ng driver ang truck dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.

Photos courtesy by BFP Atimonan
Photos courtesy by BFP Atimonan

Mabilis na nilamon ng apoy ang unahan ng delivery van. Mabilis din naman umanong rumesponde ang BFP Atimonan subalit dahil may kalayuan ang lugar ng sunog mula sa bayan ay hindi na naisalba ang malaking bahagi ng unahan ng truck.

Lumalabas sa imbestigasyon ng BFP na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Ligtas ang driver at pahinante ng delivery van. —LBG, GMA News