Dahil hindi makatawid dulot ng nasirang tulay, pinalangoy na lang sa ilog ng ilang hog raisers ang kanilang mga ibebentang baboy sa Vintar, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Martes.

Pahirapan na ang pagbiyahe ng mga residente dahil sa tulay na nasira dahil sa pananalasa ng Bagyong Ineng.

Ayon sa mga residente, maayos naman daw nilang naiitatawid ang mga alagang baboy sa ilog. —Joviland Rita/KBK, GMA News