Isang trainee ng Bureau of Fire Protection (BFP)  ang namatay matapos ang 10 araw na training sa Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes. 

Ayon sa impormasyon mula BFP headquarters, nag-collapse si FO1 Clinton Obedoza at isa pa kaya isinugod sila sa Calamba Doctors Hospital.

Nakalabas na ang isang trainee habang inilipat sa Intensive Care Unit (ICU) ng Chinese General Hospital si Obedoza pero tuluyan din siyang binawian ng buhay.

Iniimbestigahan pa ang nangyari.

Tatlumpu silang sumailalim sa basic rescue training. —KBK, GMA News