Isa ang patay sa pag-araro ng 10-wheeler truck sa 16 na sasakyan sa Baguio City.
Sa ulat ng "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nawalan ng kontrol ang driver ng truck sa pababang bahagi ng Bokawkan Road.
Pahayag ng mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng truck.
Patay ang ng truck driver, habang limang iba pang mga motorista ang sugatan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. —LBG, GMA News
