Isang lalaki ang nahuli-cam na biglang nag-dive sa harapan ng isang umaarangkadang trak ng basura sa Cebu City.

(BABALA, MASELAN ANG VIDEO)

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Miyerkoles,  makikita na tumawid sa kalsada at saka akmang mag-dive sa harapan ng isang paparating na trak.

Ilang ulit na pumorma ang lalaki na magda-dive hanggang sa nakalampas na sa kaniya ang trak. Pero hinabol pa rin niya ang sasakyan at tuluyang tumalon nang padapa hanggang sa magulungan ang kaniyang mga binti.

Wala namang kamalay-malay ang driver ng truck sa nangyari at tumigil lang nang parahin ng ibang motorista.

Isinugod sa ospital ang lalaki na kritikal daw ang lagay, ayon sa uploader ng video.-- FRJ, GMA News