Isa na namang higanteng lapu-lapu ang nahuli ng mga mangingisda sa Culasi, Antique, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Ayon sa mga nakahuling mangingisda, binili na ng isang negosyante ang higanteng isda, na pinagkaguluhan ng mga residente.
Nitong September 7, isa ring giant lapu-lapu ang nahuli sa parehong lugar.
Madalas daw talagang makakita ang mga mangingisda ng giant lapu-lapu sa dagat. —Peewee Bacuño/KBK, GMA News
