Nauwi sa trahedya ang family outing sa Cagwait, Surigao del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Lumalangoy raw sa dagat ang 14-taong gulang na si Jimson Limpioso nang tangayin siya ng malalaking alon. To the rescue naman ang tatay niyang si Cirelo, pero pati siya, tinangay ng alon.

Ilang minuto raw nagpalutang-lutang sa dagat ang mag-ama bago sila nakuha.

Sinubukan pa silang i-revive pero kapwa binawian pa rin ng buhay. —KBK, GMA News