Huli sa CCTV ang walang habas na pamamaril ng riding-in-tandem sa isang barangay captain sa San Ildefonso, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Agad na tumakas ang mga salarin habang isinugod pa sa ospital ang biktimang si Felimon Lazaro Santos pero namatay din habang ginagamot.

Sugatan din ang isang residente na natamaan ng bala.

Ayon sa anak ni Santos, posibleng pulitika ang motibo sa pamamaril. Dalawang death threats na raw kasi ang natanggap noon ng biktima.

Tinambangan na rin daw si Santos tatlong taon na ang nakararaan at nakaligtas lang. —KBK, GMA News