Binulabog ng pagsabog ang bahay ni Pangutaran, Sulu Mayor Asri Taib sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat sa "QRT", nangyari ang pagsabog sa labas ng bahay ng alkalde kaninang mag-aalas singko ng umaga.

Wala namang naipaulat na namatay o nasaktan.

Iniimbestigahan pa kung anong uri ng pampasabog ang ginamit.

Ayon sa AFP-Western Mindanao Command, posibleng rido o away ng mga angkan ang motibo sa pagpapasabog.

Pinaigting na rin ang seguridad sa lugar.—NB, GMA News