Pinatay sa taga ng sarili niyang ina ang isang taong gulang na lalaki sa Mataas na Kahoy, Batangas, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.
Tatlong tama sa leeg ang tinamo ng bata.
Inaresto naman ang kanyang ina na umamin sa krimen. Aniya, bigla na lang nagdilim ang kaniyang paningin.
Ayon sa mga pulis, tuliro ang suspek nang abutan nila sa inuupahang apartment ng mag-anak.
Nasa trabaho ang ama ng biktima nang mangyari ang krimen. —KBK, GMA News
