Patay sa pamamaril sa Cebu City ang dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad.

Ayon sa ulat sa “QRT”, nakatambay lang sina Victoriano Gabaca at ang 16-anyos na si John Mark Cabimina nang barilin ng apat na naka-motorsiklong alarin.

Sa dibdib ang tama ni Gabaca.  Walong tama naman ng bala ang ikinamatay ni Cabimina. 

Tinutugis pa ang mga salarin.

Tinitingnan ng mga pulis kung may kinalaman ito sa paghihiganti dahil may record daw ng robbery at holdap si Gabaca.

Wala namang criminal record si Cabimina. —NB, GMA News