Isang babaeng mamimili ang na-hulicam na kumuha ng P500 sa bag ng isang  tinderang nalingat sa Labangan, Zamboanga Del Sur.

Ayon sa ulat sa “QRT”, binayaran pa ng babae ang kanyang pinamili bago tumakas.

Inaalam pa ang kanyang pagkakakilanlan.

Makikita sa CCTV na bago kinuha ng babae ang pera ng biktima, kunwari'y kumukuha lang siya ng bote ng tubig sa ref.

Binubuksan niya na pala ang bag sa gilid ng ref, habang nalingat ang tindera.

Uminom pa ng tubig ang salarin.at dahil hindi pa rin nakatingin ang tindera, kinuha niya ang pitaka sa loob ng bag.

Pag-alis ng tindera, kinupit ng babae ang P500 sa loob saka binalik sa bag ang pitaka. —NB, GMA News