Pinanood ng porn ng isang guro ang kanyang mga Grade 10 student sa Ajuy, Iloilo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Paraan daw 'yan ng guro para ituro ang sex education.

Pinatotohanan naman ng ilang estudyante na nakapanood nga sila porn sa loob ng paaralan.

Ikinabahala ito ni Ajuy Mayor Jett Rojas.

Nakausap na raw niya ang pamunuan ng Pili National High School na nandigang bahagi lang ng pag-aaral ang pinanood na porn video.

Ayon sa alkalde, dapat imbestigahan at gabayan ng Department of Education ang mga guro kung paano dapat itinuturo ang sex education.

Iniimbestigahan na ang insidente ng DepEd-Iloilo. —KBK, GMA News