Arestado ang isang AWOL na sundalo na umano'y gumahasa sa isang batang may special needs sa Bacolod, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

May nakakita raw kay Deo Balangin na pilit na isinasakay ang biktima sa sasakyan kaya agad siyang isinumbong sa pulis.

Nang dalhin sa presinto si Balangin, sinaksak siya sa likod at leeg ng pinsan ng biktima.

Dahil dito, inaresto rin ang pinsan ng biktima.

Mahaharap naman sa kasong rape si Balangin.

Humihingi siya ng tawad sa nangyari. —KBK, GMA News