Patay ang isang matandang babae nang suyurin ng isang gas tanker truck ang sinasakyan niyang tricycle habang papaliko na sana sa national highway sa Balayan, Batangas.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing nakaladkad ng truck ang tricycle hanggang sa mabangga din sa kasalubong nitong van.
Nasugatan naman ang driver ng tricycle at isa pa niyang pasahero.
Naligtas naman ang driver ng van.
Sumuko na ang driver ng tanker sa mga pulis pero hindi na siya nagbigay ng pahayag.--FRJ, GMA News
